Thursday, May 19, 2022

BANYO QUEEN

 Noong sa Harris Street sa Olongapo pa ako nakatira, malaki ang bahay na inuupahan ko. May dalawang  kuwarto sa itaas at isang maliit na kuwarto sa ibaba. Dahil nag-iisa lang ako roon, naisipan kong tumanggap ng boarders.

Sampu ang naging boarders ko: 8 males and 2 females. Lahat sila except for Gelai ay sa itaas (second floor) natutulog. Si Gelai ay doon sa maliit na room downstairs natutulog.

Minsan, nang pumanaog ako’t walang tao sa ground floor, napuna kong may nakapaskel na note sa may dingding sa tapat ng dining table. The note read in part:

“SINO KANG LALAKI KA NA TUMATAWAG SA AKIN NG 'BANYO QUEEN'? DINIG NA DINIG KITA SA KUWARTO KO... BAKA AKALA MO...!"

Nang may mga lalaking boarders na dumating, tinanong ko sila.

GAUDZ:  Ano ‘yang nakapaskel na iyan?

JOEREX:  Sir, si Jeho po, tinawag niyang ‘Banyo Queen’ si Gelai. Narinig siya, nagalit. Nagsulat ng note at ipinaskel sa dingding.

GAUDZ:  Huwag ngang kung anu-ano ang ibinabansag n’yo sa mga kasamahan n’yo ha! Gaya niyan, mukhang mataray ‘yang binansagan n’yo! Baka pagmulan ng kagalitan ‘yan! Huwag n’yo nang uulitin ‘yan ha!

JOEREX:  Opo, sir.

GAUDZ:  Nasaan ba siya?

JOEREX:  Sino po, sir?

GAUDZ:  Si Banyo Queen! 

No comments:

Post a Comment