Showing posts with label Pinoy jokes. Show all posts
Showing posts with label Pinoy jokes. Show all posts

Friday, July 15, 2022

THREE STORES

STORE NO. 1 


This one’s true story. Mainit ang panahon at uhaw na uhaw ako. Huminto ako sa isang tindahan para mamili ng softdrink na malamig.

Goddy: Pagbilhan nga po ng Coke.

Tindera: Ay, wala pong Coke! 

Goddy: E, Pepsi po? 

Tindera: Ay, wala pong Pepsi! 

Goddy: E, Royal na lang pala. 

Tindera: Naku! Wala rin pong Royal! 

Goddy: E, Sprite? 

Tindera: Wala rin po! 

Goddy: Ano pa’ng wala kayo???

STORE NO. 2


Ito nama’y hindi talaga nangyari. Naisipan ko lang gawin para may counterpart naman ang naunang istorya.

Goddy: Pagbilhan nga po.

Tindera: Ano po iyon? 

Goddy: Mayroon po ba kayong Coke? 

Tindera: Meron po. 

Goddy: E, Pepsi, meron kayo? 

Tindera: Meron din po. 

Goddy: How about Royal? 

Tindera: Meron din po! 

Goddy: E, Sprite? 

Tindera: Meron din po! 

Goddy: E, 7 Up? 

Tindera: Naku, wala po kaming 7 Up! 

Goddy: Iyon… iyon… pagbilhan po ng 7 Up! 

STORE NO. 3 


This one’s another true story. Namili ako noon sa Lumang Palengke sa 23rd Street sa Olongapo. Nang pauwi na ako, napuna kong hindi pala ako nakabili ng patis. So, kung alin ang una kong nadaanang tindahan, doon ako huminto at namili. 

Goddy: Pagbilhan nga ng patis. 

Tindera: Aba, Mama, botika po ito! 

Goddy: Ha! Naku, sorry ha! ‘Di ko napuna e. 

Friday, June 17, 2022

MAY SAYAD

(NOTE:  The following did not actually happen. Joke only.)

Sa Main Gate ng dating U.S. Facility sa Subic, na ngayo’y SBMA, as the day’s grind begins, maraming tao ang sumasagsag sa pagpasok sa trabaho. Sa bungad ng Main Gate bridge, naglipana ang mga tindera ng samut-samot na merchandise na lalo pang nagpapasikip sa pedestrian traffic. 

Si Sassy ay isa sa mga employees ng SBMA na every working day ay sumasagsag sa pagpasok sa trabaho. Minsan, dahil sa pagmamadali niya, nalimutan niyang bitbitin ang baon niyang pagkain for lunch. So, napilitan siyang huminto upang mamili ng pang-lunch niya. 

Ibubuka pa lamang ni Sassy ang bibig niya upang sabihin kung ano’ng bibilhin niya nang biglang iniabot ng isang lalaki ang paper bill niya at bumili ng sigarilyo. Una itong napagbilhan ng tindera na ikinagalit ni Sassy. 

Nanggagalaiti sa galit na sinigawan ni Sassy ang tindera ng ganito: “Bakit siya ang inuna mo e, nauna ako sa kanya?!!" 

Nagitla ang medyo-intimidated na tindera na sumagot ng ganito, “E… e, kasi po iniabot na niya sa akin ang pera niya e…” 

“Bakit, siya lang ba ang may pera? May pera rin ako, a! Mas malaki pa nga ang pera ko kaysa sa kanya!” 

“Hindi po… e, kasi po…” Nag-isip ng maidadahilan ang tindera hanggang nakaisip ito ng, “E kasi po, nagmamadali siya. Late na kasi siya e.” 

“At bakit, siya lang ba ang nagmamadali? Siya lang ba ang male-late? Mas malaki na nga ang late ko kaysa sa kanya a!” 

Mabilis na umisip ng strategy ang tindera para matapos na ang diskusyon. At nagliwanag ang mukha niya sa naisip niya. 

“Ay naku, huwag n’yo hong papansinin ang mamang iyon. Kasi ho, may sayad iyon e!” 

“At bakit?! Siya lang ba ang may sayad?!! Mas malaki pa nga ang sayad ko kaysa sa kanya 'no!”