Saturday, September 7, 2024

THE DARKEST HOUR IS JUST BEFORE DAWN

Dawn
(Photo courtesy of J. Tria)

In an attempt to cheer up and brighten the day of a friend who was feeling depressed, I sent her some inspiring words and at the end of my short message wrote, "...the darkest hour is just before dawn."

She quickly responded and asked me to explain what that meant.

During one of the bleakest periods in my life when I felt so all alone, hopeless and helpless and had to exert a real effort to carry on, I made a poster with uplifting words "...the darkest hour is just before dawn" which I excerpted from a song of the American folk-rock vocal group, The Mamas and the Papas.

I hung the poster on a conspicuous place in my room that will serve as reminder to me that sooner or later, things will change and get better. That kept me in perspective and gave me hope to carry on.

Okay, let's explain what that means. 

"...The darkest hour is just before dawn."

First, what is dawn?

The dictionary defines dawn as, "the first appearance of light in the sky before sunrise." 

What is dawn in Tagalog?

"Madaling araw. Or bukang liwayway."

Iyon yung nagsisimulang lumiwanag ang kalangitan pagkatapos ng napakadilim na hatinggabi. 

Take note, maliwanag kapag umaga. Sa katanghaliang tapat ang pinakamaliwanag sapagkat dito pinakamatindi ang sikat ng araw. Sa hapon, unti-unting nagpe-fade ang liwanag, lalo na sa dapit-hapon o takipsilim (twilight or dusk), hanggang gumabi kung saan dumilim na at wala nang liwanag. At habang paggabi nang paggabi, lalong nagiging pusikit (matingkad na dilim, napakadilim) ang kadiliman. At ang pinakamatingkad na kadiliman ay hatinggabi or midnight. That is the darkest hour. 

Now, ano ang susunod sa hatinggabi? May mas didilim pa ba sa midnight e yun na nga ang darkest?

Technically, after the darkest hour, magliliwanag nang muli. That is what we call dawn.

And the dawn naturally comes just after the darkest part of night.

Yes, the darkest hour is just before dawn. 

Let's find a parallel in life. 

Darkest hour implies negativity. Ito yung mga matinding pains, sufferings, hopelessness. This is a life situation where not only are you being oppressed and harasssed kundi maaaring may mga physical affictions din and, worse, spiritually low. Kadalasan, during trying times like this, it's hard to find someone with whom you can unburden yourself emotionally... when it's difficult to see things in the right perspective. It is the time where your faith in God is shaken and when you even blasphemously question if there really is God. If He really exists.

But dawn implies the reverse of that. Positive ito. It signifies hope. The dawn is an end to miseries and sufferings as it indicates change - a change for the better. 

Take this. When I had my nervous breakdown as a consequence of a series of traumatic events in my life, I sought professional help. I thought then that seeing a psychiatrist would instantly cure me. But I was mistaken. I started seeing my doctor March of 1980. During that difficult time, 24/7 akong nagdurusa, pain was all over me. Seven days a week. 

Isang taon na, ganoon pa rin ang aking situation.

Dalawang taon na, walang pagbabago. 

Tatlong taon na nagdurusa pa rin ako. At nalimutan ko na kung ano ba ang maginhawang pakiramdam. Hindi ko na matandaan. Of course, napag-aaralan ko naman ang possible reasons what brought me to my sorry state. I was feeling so hopeless that I felt I didn't want to live anymore. The trouble is I was afraid to die. I have no suicidal tendency. Despite emotional turmoil and mental torment, however, it was really a great wonder how I could still decide rationally. Mabait pa rin ako. Napakamapagtiis. And very prayerful. I held on to my faith. 

And on the fourth year of my agony, that was 1984, which seemed to be the darkest, God took me by the hand and rescued me. Basta na lang ako nagulat, nalimutan ko na pala ang pag-inom ng mga tranquilizers ko - five all in all.

When I consulted with my psychiatrist again, tuwang-tuwa siya. That meant pala, magaling na ako. I was almost euphoric. And I had tears of joy.

Nagliwanag muli ang aking araw. After four long and agonizing years, noon lamang ako muling nakadama ng magandang pakiramdam. Hindi ko inakalang makakaranas pa akong muli ng ginhawa ng pakiramdam. 

Kahit hirap na hirap na ako noon, patuloy akong gumawa ng kabutihan. Ang house and lot namin na lubhang napakabigat na obligasyon na iniatang sa aking balikat ay naipundar ko at the height of my severe emotional turmoil and mental torment.

Dawn signifies hope. Whatever situation we find ourselves in, let us not lose hope. Nothing is permanent. Things will get better. 

Or take the case of the pandemic. Hindi ba't everyone was feeling insecure, depressed and hopeless? Everyone was anxious and afraid especially when no cure had been found yet. But God saw the sufferings of His people. And He drove away the dark clouds that veiled the night. Then a cure for covid was eventually discovered. At lumiwanag muli ang dilim ng gabi.

Ganun. 

When you find yourself in a hopeless situation and you feel as though your world is coming to an end, hang on! It might as well be "just a bend... not the end". 

If it's the end, it might as well be the end of your miseries and sufferings. You are in the darkest of hours. And the dawn is coming! Rejoice!

Wednesday, September 4, 2024

TAMANG PAGTUGON SA PROBLEMA

 Pitumpu't tatlong taon na ako at sa edad kong ito, marami na akong nasaksihan at naranasang bagyong dumating... at umalis.

Oo, mga bagyong iba't iba ang lakas; nagsidating ngunit nagsi-alis din. Walang nanatili isa man. Sapagkat muling sumikat ang araw at gumanda ang panahon.

Ganoon din sa ating buhay. Maraming mga suliraning dumarating na animo unos kung magpahirap sa ating isipa't kalooban. Subalit hindi nagtatagal, nalulutas din natin. Kung hindi man nalutas, nalimutan din o basta na lamang nawala at lumipas.

Kaya't hindi tayo dapat nababalisa kapag nahaharap sa mabibigat na pagsubok. Hindi dapat iyong animo ninanamnam pa nating mabuti ang bawat sandaling inilalagi sa atin ng mga problema. Sapagkat tulad sa dilim ng gabi, sa ayaw natin at sa gusto, lilipas din ang mga iyan. Magliliwanag na muli.

Sa mga sandaling nagsusungit ang kalikasan, sapat na ang sumilong at magkubli upang makaiwas sa pinsalang maaaring idulot nito sa atin. Matiyaga nating hintayin ang kusang pag-alis nito. Iwasan natin ang labis na pag-aalala at pagkabalisa sapagkat maaaring hindi ito makabuti sa atin.

Ang pagkabalisa tulad ng iba pang mga negatibong kaisipan at damdamin ay maaaring makaapekto sa ating kalusugan. May mga internal organs tayong maaaring mapinsala dahil sa matinding negatibong emosyon tulad ng galit, sama ng loob, takot, matinding lungkot, panaghoy, at iba pang tulad nila. May mga pagkakataon ding nagiging sanhi ito ng pagtaas ng blood pressure, blood sugar, at maging atake sa puso. Kaya't nararapat lang na iwasan natin ang pagkabagabag o pagkabalisa. Wala itong mabuting maidudulot sa atin.

Sa anumang sitwasyon sa ating buhay, malakas man ang unos o hindi, at maging krisis man ang ating kinakaharap, makabubuting manatiling kalmado at pinapairal ang katwiran o isipan at hindi ang damdamin.

Ating laging pakatandaan: walang bagyong dumating na hindi umalis! Sa paglisan ng bagyo at sa muling pagsikat ng araw, may ngiti sa labing harapin natin ang isang maganda at bagong umaga.