Friday, August 26, 2022

MATULUNGING ANAK

(Ang joke na ito ay inimbento ko lang. Hindi tunay na nangyari o hindi true-to-life.) 

Sa isang malayong probinsiya (hindi sa amin sa Nueva Ecija, huh!) noong hindi pa uso ang cell phone, nakatanggap ng sulat mula sa isang postman si Aling Elsa habang nagwawalis sa harapan ng bahay nila. Kaagad naman siyang nilapitan ni Aling Myrna na noo’y nagwawalis din sa tapat ng bahay nila. 

MYRNA: Uy, Elsa! Mukhang may sulat ka na naman sa anak mong nasa Maynila, a! 

ELSA: Oo nga, Myrna. Siguro ibabalita sa akin yung bago niyang hinuhulugang appliances.

MYRNA: Ang dami na niyang nabili para sa ‘yo, a! TV set… cassette… VCD… washing machine... electric fan... Kulang na nga lang yata sa inyo e... electric chair!

ELSA: At kaya pala matagal na siyang hindi nakakauwi at hindi nakapagpapadala ng pera dahil may bago raw siyang hinuhulugan. 

MYRNA: Ano naman daw ngayon? 

ELSA: Ano nga ba yun? Tila… SLOT MACHINE daw yata! 

MYRNA: Naku, ang suwerte mo, Elsa! Nakakainggit ka! Kaya pala mahigit nang isang taon siyang hindi nakapagpapadala ng pera sa iyo! 

No comments:

Post a Comment