Friday, August 5, 2022

PATUNG-PATONG NA LETRA (MALABO ANG MATA)

Siguro mid-80s noon. Matindi ang nerbiyos ko. Kapag matindi ang nerbiyos ko, ang labo ng paningin ko. 

Nagpunta ako sa Dispensary ng Base Employees’ Labor Union (Federation of Filipino Civilian Employees Association in the U.S. Bases) pero hindi dahil sa nerbiyos o dahil sa malabong paningin. I forgot kung dahil saan. Anyway, kaibigan ko’ng mga nurses doon. Lalo na si Linda who was then with her husband, Jun, na kaibigan ko rin. 

As I was reading something, I stretched my right arm kasi hindi ko mabasa ‘pag malapitan ang binabasa ko. 

“Ummmm!!” (Binatukan ako ni Linda, Duty Nurse.) “Ito ‘ka mo ang arti-arte! Magbabasa lang, pakalayu-layo pa ng binabasa!” 

“Hindi… kasi… blurred ‘pag malapit. Hindi ko mabasa. ‘Yung mga letra… patung-patong.” 

Tapos, napatingin ako sa kanilang mag-asawa. “Kayo nga rin, e… ang tingin ko sa inyong dalawa… magkapatong din, e!” 

“Ummmmm!!” (Napatawa pero lalo akong pinagbabatukan.)

No comments:

Post a Comment