Friday, July 29, 2022

OUT OF ORDER

May isa akong electric fan na sira. Naikuwento ko kay Zening, kasamahan ko sa trabaho, and she advised me na dalhin ko raw sa electric fan repair shop near her residence. Which I did. Nang magkita kaming muli… 

Goddy: Hoy, Zening, dinala ko na dun sa ini-refer mong electric fan repair shop ‘yung electric fan ko. Ang mahal ng singil! 

Zening: Naku! Ang dami na namang puti ng buhok mo. Gusto mo kulayan natin? 

Goddy: ‘Di ko na sana ipari-repair kaya lang… kalat lang sa bahay kaya ipina-repair ko na rin. 

Zening: Mayroon akong pangkulay, gusto mo kulayan natin, ha! 

Goddy: Bibili na lang sana ako ng bago, kaya lang mas makatitipid pa rin ako kung ipari-repair ko na lang. Kasi, halos kalahati lang ang magagastos ko ‘pag ipina-repair ko kaysa bumili ako ng bago. 

Zening: Sige na, kulayan na natin! Coffee black ang kulay. 

Goddy: Wala nga akong pantubos e! Dapat nung Sabado ko pa ‘yun nakuha. 

Zening: Ikaw kasi, ang tigas ng ulo mo! Sabi ko na sa ‘yo bumili ka na lang ng bago. Aba’y presyo na ng isang bagong electric fan ang ibabayad mo dun sa ipina-repair mo! 

Goddy: Hindi ba nakaka-allergic ‘yang pangkulay mo? 

Zening: Gusto mo itanong mo pa kay Lolit, mayroon kang mabibiling bagong electric fan sa halagang 300 pesos lang. 

Goddy: Dala mo ba ‘yung pangkulay na sinasabi mo? 

Zening: Hindi ba, Lolit, may tig-300 pesos na bagong electric fan ngayon kahit sa Ocampo’s ano? 

Friday, July 22, 2022

THREE STORES, PART 2

(Karugtong ito ng nauna kong entry also titled Three Stores.)

Store No. 4

Sa Lumang Palengke sa 23rd St. sa West Bajac-Bajac, Olongapo, kung saan palagian akong namamalengke, I approached a fruit and vegetable stall where local oranges (dalanghita) were being sold.

Sabi ko sa lalaking teenager na nagtitinda, “Boy, pagbilhan mo ako ng isang kilong dalanghita.”

Habang tinitimbang ng batang lalaki ang binibili kong dalanghita, I asked him, “Matamis ba ito?”

The boy replied, “Ay, opo, matamis po iyan!”

Tapos, sabi ko, “Kahapon kasi, nakabili ako roon sa gawing unahan ng market, ang sabi matamis daw.  Pero, maasim naman pala.”

“Ay, maasim po?”

Sagot ko, “Gusto ko nga ‘yong maasim kasi may ubo at sipon ako.”

“Ay, ito po (as he handed to me the local oranges), maasim po ito!”


Store No. 5

Several months ago, doon pa rin sa Lumang Palengke, habang dumaraan ako sa isang fruit stall, pahiyaw na iniaalok ng tindera ang paninda niyang ripe mangoes.

“Ay Ale, Mama, manggang Zambales!  Manggang Zambales, Mama, Ale!  Libre tikim... ng sili!  Libre tikim... ng sili!


Store No. 6 

Just this morning, doon pa rin sa favorite kong market, huminto ako sa isang grocery to buy a bar of soap.  Gamit ko sa paghugas ng pinggan.  Ayaw ko kasi ng liquid soap.

“Pagbilhan ng isang baretang sabon.  Iyong  ‘Champion with Kalamansi’ ha,” sabi ko sa sales clerk.

But the sales clerk came with the brand I asked but with a different scent.

I told the sales clerk, “Ay, ayaw ko niyan.  Iyong may kalamansi ang gusto ko!”  I asserted myself.

“Bakit po, parehas namang sabon ang mga iyan, bakit iyong kalamansi ang gusto ninyo?”

“May sipon kasi ako at ubo,” sagot ko. 

Friday, July 15, 2022

THREE STORES

STORE NO. 1 


This one’s true story. Mainit ang panahon at uhaw na uhaw ako. Huminto ako sa isang tindahan para mamili ng softdrink na malamig.

Goddy: Pagbilhan nga po ng Coke.

Tindera: Ay, wala pong Coke! 

Goddy: E, Pepsi po? 

Tindera: Ay, wala pong Pepsi! 

Goddy: E, Royal na lang pala. 

Tindera: Naku! Wala rin pong Royal! 

Goddy: E, Sprite? 

Tindera: Wala rin po! 

Goddy: Ano pa’ng wala kayo???

STORE NO. 2


Ito nama’y hindi talaga nangyari. Naisipan ko lang gawin para may counterpart naman ang naunang istorya.

Goddy: Pagbilhan nga po.

Tindera: Ano po iyon? 

Goddy: Mayroon po ba kayong Coke? 

Tindera: Meron po. 

Goddy: E, Pepsi, meron kayo? 

Tindera: Meron din po. 

Goddy: How about Royal? 

Tindera: Meron din po! 

Goddy: E, Sprite? 

Tindera: Meron din po! 

Goddy: E, 7 Up? 

Tindera: Naku, wala po kaming 7 Up! 

Goddy: Iyon… iyon… pagbilhan po ng 7 Up! 

STORE NO. 3 


This one’s another true story. Namili ako noon sa Lumang Palengke sa 23rd Street sa Olongapo. Nang pauwi na ako, napuna kong hindi pala ako nakabili ng patis. So, kung alin ang una kong nadaanang tindahan, doon ako huminto at namili. 

Goddy: Pagbilhan nga ng patis. 

Tindera: Aba, Mama, botika po ito! 

Goddy: Ha! Naku, sorry ha! ‘Di ko napuna e. 

Friday, July 8, 2022

AN OCCURRENCE BEYOND MAN'S COMPREHENSION

In the latter part of the 90s, during my designation as Alternate Evidence Custodian of an intelligence and investigation office, I reported for work on a day which was supposed to be my day off. We had a TV set in the Evidence Room and, to do away with loneliness, I turned that TV set on. 

The program on TV then was a prayer rally by a religious organization led by its preacher or leader. The way the religious leader preached seemed improper to me as he appeared to be boasting. Unimpressed by what he was saying, I said to myself in the local dialect, “Teka nga, mapatay nga itong TV!” (I’ll turn this TV set off!) To my surprise, as though the preacher heard me and as though he was just inside the room, he pointed his right index finger to me then said, “Sige, kung gusto mo, patayin mo pa itong TV!” (Go ahead, if you want, turn this TV set off!) 

Though a bit afraid, I turned it off. I couldn’t figure out how that incident happened. Perhaps, it was just pure coincidence. Since I found it real difficult to comprehend, I just resigned to the fact that there are occurrences in this world that are beyond man’s comprehension.

Friday, July 1, 2022

HINDI NA NASANAY

Noong second semester nang muli kong pag-e-enrol sa college, nagkaroon ako ng isang lady classmate who, I’d say, was very fond of me.  Let’s just refer to her as “Lady”. 

Sa subject o mga subjects na magkaklase kami, lagi siyang tumatabi sa akin.  Minsan, before the class started, as she sat beside me...

Lady:  Uy, Kuya Gau (she called me Kuya Gau), congrats!  Nasa dean’s list ka! 

Goddy:  Ano ‘yong dean’s list? 

Lady:  Dean’s list… ‘yong dean’s list…  Hindi mo alam ‘yong dean’s list? 

Goddy:  Hindi.  Tanga ako e! 

Lady:  ‘Yong dean’s list… ‘yong dean’s list…  A, basta!  Tingnan mo sa bulletin board! 

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam.  First time kong narinig iyon.  But she didn’t explain any further.  So, the following day, nang maparaan ako sa tapat ng bulletin board,.. 

Goddy:  A, ito pala’ng ibig sabihin ng dean’s list (nasabi ko sa aking sarili)

Lumipas ang isang buwan.  Before the class started, dumating na naman siya and upon sitting beside me… 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats!  Academic scholar ka! 

Kinindatan ko siya, sabay ngiti. 

Noong sumunod na semester, two weeks after classes have started, heto na naman si Lady. 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats uli.  Academic scholar ka na naman! 

I smiled at her. 

Tapos, nang sumunod na semester, heto na naman po kami. 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats!  Academic scholar ka na naman! 

How am I supposed to respond but to smile at her, ‘di ba? 

Then, the following semester, heto na naman. 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats!  Academic scholar ka na naman! 

Goddy:  (In a louder tone of voice than usual)  Ito ‘ka mo, nakakainis!  Hindi na nasanay! 

(Hehehe!  Nakakainis ba?  Huwag n’yo naman akong i-block.  Nagsisiste lang po!)