May isa akong electric fan na sira. Naikuwento ko kay Zening, kasamahan ko sa trabaho, and she advised me na dalhin ko raw sa electric fan repair shop near her residence. Which I did. Nang magkita kaming muli…
Goddy: Hoy, Zening, dinala ko na dun sa ini-refer mong electric fan repair shop ‘yung electric fan ko. Ang mahal ng singil!
Zening: Naku! Ang dami na namang puti ng buhok mo. Gusto mo kulayan natin?
Goddy: ‘Di ko na sana ipari-repair kaya lang… kalat lang sa bahay kaya ipina-repair ko na rin.
Zening: Mayroon akong pangkulay, gusto mo kulayan natin, ha!
Goddy: Bibili na lang sana ako ng bago, kaya lang mas makatitipid pa rin ako kung ipari-repair ko na lang. Kasi, halos kalahati lang ang magagastos ko ‘pag ipina-repair ko kaysa bumili ako ng bago.
Zening: Sige na, kulayan na natin! Coffee black ang kulay.
Goddy: Wala nga akong pantubos e! Dapat nung Sabado ko pa ‘yun nakuha.
Zening: Ikaw kasi, ang tigas ng ulo mo! Sabi ko na sa ‘yo bumili ka na lang ng bago. Aba’y presyo na ng isang bagong electric fan ang ibabayad mo dun sa ipina-repair mo!
Goddy: Hindi ba nakaka-allergic ‘yang pangkulay mo?
Zening: Gusto mo itanong mo pa kay Lolit, mayroon kang mabibiling bagong electric fan sa halagang 300 pesos lang.
Goddy: Dala mo ba ‘yung pangkulay na sinasabi mo?
Zening: Hindi ba, Lolit, may tig-300 pesos na bagong electric fan ngayon kahit sa Ocampo’s ano?
No comments:
Post a Comment