(Karugtong ito ng nauna kong entry also titled Three Stores.)
Store No. 4
Sa Lumang Palengke sa 23rd St. sa West Bajac-Bajac, Olongapo, kung saan palagian akong namamalengke, I approached a fruit and vegetable stall where local oranges (dalanghita) were being sold.
Sabi ko sa lalaking teenager na nagtitinda, “Boy, pagbilhan mo ako ng isang kilong dalanghita.”
Habang tinitimbang ng batang lalaki ang binibili kong dalanghita, I asked him, “Matamis ba ito?”
The boy replied, “Ay, opo, matamis po iyan!”
Tapos, sabi ko, “Kahapon kasi, nakabili ako roon sa gawing unahan ng market, ang sabi matamis daw. Pero, maasim naman pala.”
“Ay, maasim po?”
Sagot ko, “Gusto ko nga ‘yong maasim kasi may ubo at sipon ako.”
“Ay, ito po (as he handed to me the local oranges), maasim po ito!”
Store No. 5
Several months ago, doon pa rin sa Lumang Palengke, habang dumaraan ako sa isang fruit stall, pahiyaw na iniaalok ng tindera ang paninda niyang ripe mangoes.
“Ay Ale, Mama, manggang Zambales! Manggang Zambales, Mama, Ale! Libre tikim... ng sili! Libre tikim... ng sili!
Store No. 6
Just this morning, doon pa rin sa favorite kong market, huminto ako sa isang grocery to buy a bar of soap. Gamit ko sa paghugas ng pinggan. Ayaw ko kasi ng liquid soap.
“Pagbilhan ng isang baretang sabon. Iyong ‘Champion with Kalamansi’ ha,” sabi ko sa sales clerk.
But the sales clerk came with the brand I asked but with a different scent.
I told the sales clerk, “Ay, ayaw ko niyan. Iyong may kalamansi ang gusto ko!” I asserted myself.
“Bakit po, parehas namang sabon ang mga iyan, bakit iyong kalamansi ang gusto ninyo?”
“May sipon kasi ako at ubo,” sagot ko.
No comments:
Post a Comment