Friday, July 29, 2022

OUT OF ORDER

May isa akong electric fan na sira. Naikuwento ko kay Zening, kasamahan ko sa trabaho, and she advised me na dalhin ko raw sa electric fan repair shop near her residence. Which I did. Nang magkita kaming muli… 

Goddy: Hoy, Zening, dinala ko na dun sa ini-refer mong electric fan repair shop ‘yung electric fan ko. Ang mahal ng singil! 

Zening: Naku! Ang dami na namang puti ng buhok mo. Gusto mo kulayan natin? 

Goddy: ‘Di ko na sana ipari-repair kaya lang… kalat lang sa bahay kaya ipina-repair ko na rin. 

Zening: Mayroon akong pangkulay, gusto mo kulayan natin, ha! 

Goddy: Bibili na lang sana ako ng bago, kaya lang mas makatitipid pa rin ako kung ipari-repair ko na lang. Kasi, halos kalahati lang ang magagastos ko ‘pag ipina-repair ko kaysa bumili ako ng bago. 

Zening: Sige na, kulayan na natin! Coffee black ang kulay. 

Goddy: Wala nga akong pantubos e! Dapat nung Sabado ko pa ‘yun nakuha. 

Zening: Ikaw kasi, ang tigas ng ulo mo! Sabi ko na sa ‘yo bumili ka na lang ng bago. Aba’y presyo na ng isang bagong electric fan ang ibabayad mo dun sa ipina-repair mo! 

Goddy: Hindi ba nakaka-allergic ‘yang pangkulay mo? 

Zening: Gusto mo itanong mo pa kay Lolit, mayroon kang mabibiling bagong electric fan sa halagang 300 pesos lang. 

Goddy: Dala mo ba ‘yung pangkulay na sinasabi mo? 

Zening: Hindi ba, Lolit, may tig-300 pesos na bagong electric fan ngayon kahit sa Ocampo’s ano? 

Friday, July 22, 2022

THREE STORES, PART 2

(Karugtong ito ng nauna kong entry also titled Three Stores.)

Store No. 4

Sa Lumang Palengke sa 23rd St. sa West Bajac-Bajac, Olongapo, kung saan palagian akong namamalengke, I approached a fruit and vegetable stall where local oranges (dalanghita) were being sold.

Sabi ko sa lalaking teenager na nagtitinda, “Boy, pagbilhan mo ako ng isang kilong dalanghita.”

Habang tinitimbang ng batang lalaki ang binibili kong dalanghita, I asked him, “Matamis ba ito?”

The boy replied, “Ay, opo, matamis po iyan!”

Tapos, sabi ko, “Kahapon kasi, nakabili ako roon sa gawing unahan ng market, ang sabi matamis daw.  Pero, maasim naman pala.”

“Ay, maasim po?”

Sagot ko, “Gusto ko nga ‘yong maasim kasi may ubo at sipon ako.”

“Ay, ito po (as he handed to me the local oranges), maasim po ito!”


Store No. 5

Several months ago, doon pa rin sa Lumang Palengke, habang dumaraan ako sa isang fruit stall, pahiyaw na iniaalok ng tindera ang paninda niyang ripe mangoes.

“Ay Ale, Mama, manggang Zambales!  Manggang Zambales, Mama, Ale!  Libre tikim... ng sili!  Libre tikim... ng sili!


Store No. 6 

Just this morning, doon pa rin sa favorite kong market, huminto ako sa isang grocery to buy a bar of soap.  Gamit ko sa paghugas ng pinggan.  Ayaw ko kasi ng liquid soap.

“Pagbilhan ng isang baretang sabon.  Iyong  ‘Champion with Kalamansi’ ha,” sabi ko sa sales clerk.

But the sales clerk came with the brand I asked but with a different scent.

I told the sales clerk, “Ay, ayaw ko niyan.  Iyong may kalamansi ang gusto ko!”  I asserted myself.

“Bakit po, parehas namang sabon ang mga iyan, bakit iyong kalamansi ang gusto ninyo?”

“May sipon kasi ako at ubo,” sagot ko. 

Friday, July 15, 2022

THREE STORES

STORE NO. 1 


This one’s true story. Mainit ang panahon at uhaw na uhaw ako. Huminto ako sa isang tindahan para mamili ng softdrink na malamig.

Goddy: Pagbilhan nga po ng Coke.

Tindera: Ay, wala pong Coke! 

Goddy: E, Pepsi po? 

Tindera: Ay, wala pong Pepsi! 

Goddy: E, Royal na lang pala. 

Tindera: Naku! Wala rin pong Royal! 

Goddy: E, Sprite? 

Tindera: Wala rin po! 

Goddy: Ano pa’ng wala kayo???

STORE NO. 2


Ito nama’y hindi talaga nangyari. Naisipan ko lang gawin para may counterpart naman ang naunang istorya.

Goddy: Pagbilhan nga po.

Tindera: Ano po iyon? 

Goddy: Mayroon po ba kayong Coke? 

Tindera: Meron po. 

Goddy: E, Pepsi, meron kayo? 

Tindera: Meron din po. 

Goddy: How about Royal? 

Tindera: Meron din po! 

Goddy: E, Sprite? 

Tindera: Meron din po! 

Goddy: E, 7 Up? 

Tindera: Naku, wala po kaming 7 Up! 

Goddy: Iyon… iyon… pagbilhan po ng 7 Up! 

STORE NO. 3 


This one’s another true story. Namili ako noon sa Lumang Palengke sa 23rd Street sa Olongapo. Nang pauwi na ako, napuna kong hindi pala ako nakabili ng patis. So, kung alin ang una kong nadaanang tindahan, doon ako huminto at namili. 

Goddy: Pagbilhan nga ng patis. 

Tindera: Aba, Mama, botika po ito! 

Goddy: Ha! Naku, sorry ha! ‘Di ko napuna e. 

Friday, July 8, 2022

AN OCCURRENCE BEYOND MAN'S COMPREHENSION

In the latter part of the 90s, during my designation as Alternate Evidence Custodian of an intelligence and investigation office, I reported for work on a day which was supposed to be my day off. We had a TV set in the Evidence Room and, to do away with loneliness, I turned that TV set on. 

The program on TV then was a prayer rally by a religious organization led by its preacher or leader. The way the religious leader preached seemed improper to me as he appeared to be boasting. Unimpressed by what he was saying, I said to myself in the local dialect, “Teka nga, mapatay nga itong TV!” (I’ll turn this TV set off!) To my surprise, as though the preacher heard me and as though he was just inside the room, he pointed his right index finger to me then said, “Sige, kung gusto mo, patayin mo pa itong TV!” (Go ahead, if you want, turn this TV set off!) 

Though a bit afraid, I turned it off. I couldn’t figure out how that incident happened. Perhaps, it was just pure coincidence. Since I found it real difficult to comprehend, I just resigned to the fact that there are occurrences in this world that are beyond man’s comprehension.

Friday, July 1, 2022

HINDI NA NASANAY

Noong second semester nang muli kong pag-e-enrol sa college, nagkaroon ako ng isang lady classmate who, I’d say, was very fond of me.  Let’s just refer to her as “Lady”. 

Sa subject o mga subjects na magkaklase kami, lagi siyang tumatabi sa akin.  Minsan, before the class started, as she sat beside me...

Lady:  Uy, Kuya Gau (she called me Kuya Gau), congrats!  Nasa dean’s list ka! 

Goddy:  Ano ‘yong dean’s list? 

Lady:  Dean’s list… ‘yong dean’s list…  Hindi mo alam ‘yong dean’s list? 

Goddy:  Hindi.  Tanga ako e! 

Lady:  ‘Yong dean’s list… ‘yong dean’s list…  A, basta!  Tingnan mo sa bulletin board! 

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam.  First time kong narinig iyon.  But she didn’t explain any further.  So, the following day, nang maparaan ako sa tapat ng bulletin board,.. 

Goddy:  A, ito pala’ng ibig sabihin ng dean’s list (nasabi ko sa aking sarili)

Lumipas ang isang buwan.  Before the class started, dumating na naman siya and upon sitting beside me… 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats!  Academic scholar ka! 

Kinindatan ko siya, sabay ngiti. 

Noong sumunod na semester, two weeks after classes have started, heto na naman si Lady. 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats uli.  Academic scholar ka na naman! 

I smiled at her. 

Tapos, nang sumunod na semester, heto na naman po kami. 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats!  Academic scholar ka na naman! 

How am I supposed to respond but to smile at her, ‘di ba? 

Then, the following semester, heto na naman. 

Lady:  Uy, Kuya Gau!  Congrats!  Academic scholar ka na naman! 

Goddy:  (In a louder tone of voice than usual)  Ito ‘ka mo, nakakainis!  Hindi na nasanay! 

(Hehehe!  Nakakainis ba?  Huwag n’yo naman akong i-block.  Nagsisiste lang po!) 

Friday, June 24, 2022

A WEIRD EXPERIENCE WHILE TAKING AN EXAM

Last October 19, 1997, I took the Career Service Professional Exam given by the Civil Service Commission in San Fernando, Pampanga. Kailangan ko kasi ito to fully qualify for the position I was considered in. 

Bago ako kumuha ng exam, ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi lang masama ang pakiramdam ko, in fact, para bang sinapian ako ng unclean spirit. Para akong tino-torture mentally. Masakit ang tiyan ko and I had fears. 

Despite all these discomforts, however, I continued to take the examination as it had already been scheduled. 

The exam venue was an elementary school. Habang nag-e-exam ako, hindi ako makapag-concentrate. Disorganized talaga ako! Ang gulu-gulo ng isip ko. Nakaka-distract ang sakit ng tiyan ko and I was always thinking of the rest room. If I remember it rightly, nag-excuse pa ako to go to the rest room. 

Tapos, hindi ko maunawaan yung mga questions. There was one (I forgot if it was in English or in Filipino) that ran like this: Si Pedro ay mataas kay Juan. Si Juan ay mataas kay Ganito. Si Ganito ay mataas kay Ganyan… (I forgot the whole question). Nakaubos yata ako ng almost one hour doon lang sa particular question na iyon, hindi ko pa rin na-get ang thought. So, I finally decided to just leave it. Hindi ko kayang sagutin. Mauubos ang oras e! 

Tapos, basta ko na lang narinig na sinabi nung watcher, “Ten more minutes!” E, hindi pa ako nangangalahati. And, believe it or not, wala yata akong sinagutang Math problems dahil parang wala akong capability noong araw na iyon na mag-compute. English lamang at mga general info questions ang sinagutan ko. So, dahil magta-time na (10 minutes na lang daw), nilagyan ko na lang ng shades ang lahat ng boxes for my answers hanggang dulo ng answer sheet. 

Then the bell rang. Sumigaw ang watcher, “Pencils up!” 

Kasa-submit ko lang ng answer sheet ko nang tanungin ako ng katabi ko. 

“Nasagutan mo bang lahat?” aniya. 

“Oo, sinagutan ko hanggang item 120,” sabi ko sa kaniya. 

“Haaa!” namangha niyang nasabi. “E, 1 to 80 lang ang exam a!” 

“Haaa!” sabi ko rin, sabay takbo pabalik sa isa pang watcher kung kangino ko ipinasa ang papel ko. 

“Ma’am, puede pong mahiram ang answer sheet ko. May buburahin lang po ako sandali.” 

Ibinigay naman sa akin. At totoo nga, 1 to 80 lang ang test! Tapos, isinauli ko na sa watcher ang answer sheet ko. 

“Bakit, ano’ng binura mo?” tanong nung watcher. 

“Nalagyan ko po ng shades hanggang 120 e 1 to 80 lang po pala ang test.” 

Tawa nang tawa yung watcher habang tinitingnan ang answer sheet ko. (Although 1 to 80 ang questions, yung provided separate answer sheet ay 1 to 120 items.) 

Of course, dahil hindi naman lahat ng question ay pinag-isipan, hindi ako umaasang naipasa ko iyon. Alam kong most likely ay bagsak ako sa exam. 

After a month, coming from Nueva Ecija and going to Olongapo, dumaan ako ng San Fernando to get the result of my exam. Although I was thinking I might have failed in the exam, I prayed that I was able to pass it. The passing grade was 80%. 

And, thank God, I got 84.34%! 

Friday, June 17, 2022

MAY SAYAD

(NOTE:  The following did not actually happen. Joke only.)

Sa Main Gate ng dating U.S. Facility sa Subic, na ngayo’y SBMA, as the day’s grind begins, maraming tao ang sumasagsag sa pagpasok sa trabaho. Sa bungad ng Main Gate bridge, naglipana ang mga tindera ng samut-samot na merchandise na lalo pang nagpapasikip sa pedestrian traffic. 

Si Sassy ay isa sa mga employees ng SBMA na every working day ay sumasagsag sa pagpasok sa trabaho. Minsan, dahil sa pagmamadali niya, nalimutan niyang bitbitin ang baon niyang pagkain for lunch. So, napilitan siyang huminto upang mamili ng pang-lunch niya. 

Ibubuka pa lamang ni Sassy ang bibig niya upang sabihin kung ano’ng bibilhin niya nang biglang iniabot ng isang lalaki ang paper bill niya at bumili ng sigarilyo. Una itong napagbilhan ng tindera na ikinagalit ni Sassy. 

Nanggagalaiti sa galit na sinigawan ni Sassy ang tindera ng ganito: “Bakit siya ang inuna mo e, nauna ako sa kanya?!!" 

Nagitla ang medyo-intimidated na tindera na sumagot ng ganito, “E… e, kasi po iniabot na niya sa akin ang pera niya e…” 

“Bakit, siya lang ba ang may pera? May pera rin ako, a! Mas malaki pa nga ang pera ko kaysa sa kanya!” 

“Hindi po… e, kasi po…” Nag-isip ng maidadahilan ang tindera hanggang nakaisip ito ng, “E kasi po, nagmamadali siya. Late na kasi siya e.” 

“At bakit, siya lang ba ang nagmamadali? Siya lang ba ang male-late? Mas malaki na nga ang late ko kaysa sa kanya a!” 

Mabilis na umisip ng strategy ang tindera para matapos na ang diskusyon. At nagliwanag ang mukha niya sa naisip niya. 

“Ay naku, huwag n’yo hong papansinin ang mamang iyon. Kasi ho, may sayad iyon e!” 

“At bakit?! Siya lang ba ang may sayad?!! Mas malaki pa nga ang sayad ko kaysa sa kanya 'no!”